Sunday, May 26, 2019

Taong Bago

Ang Isang Taong Bago





Ang Isang taong bago ay binubuo ng ulo at katawan. Sino kaya ang ulo at alin ang katawan na bumubuo rito?


TAGKLAY NG IGLESIA sa Bagong Tipan ang pangalang Iglesia ni Cristo. Nararapat lamang na itoy tawaging gayun sapagkat ang Iglesia ay itinatag ni Cristo at ang Iglesia ay pinag-isa o nilalang na isang taong bago sa paningin ng Dios. Ganito ang pahayag ni apostol Pablo :



Efeso 2:15 
 Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan"


Taliwas sa inaakala ng iba na natuturo, ang tinutukoy na” dalawa “ na nilalang na isang taong bago ay ang mga HUDYO AT GENTIL na naging kaanib sa Iglesia  noong unang siglo,sapagkat sila ay kapuwa naging mga sangkap lamang ng katawan at hindi ang kabuuan ng isang tao. Ang isang taong bago na tinutukoy ay binubuo ng ulo at katawan. Sino kung gayun ang “Dalawa” na bumubuo ng isang taong bago bilang ulo  at katawan? Ganito ang pahayag ni apostol Pablo :



Colosas 1:18
  “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia. “



Si Cristo at ang Iglesia ang dalawa na ginawang isang taong bago. Si Cristo ang ulo at ang Iglesia ang kanyang katawan. Ang Iglesia  (ecclesia sa wikang greyigo) ay nangangahulugang  “ TINAWAG”. Ang mga kaanib nito ay tinawag upang makipag kaisa kay Cristo (I Cor. 1:9,Magandang Balita Biblia).Angkop na angkop na ang Iglesias a Bagong Tipan ay tawaging Iglesia Ni Cristo sapagkat ang mga kaanib nito ay mga sangkap ng katawan ni Cristo :



I Corinto 12:27
“ Kayo nga ang katawan ni Cristo, ang bawat isa’y samasamang mga sangkap niya “




Maging ang mga kaanib sa ibang relihiyon na nagsusuri sa Efeso 2:15 ay sumasang ayun na ang isang taong bago ay tumutukoy kay Cristo at sa Iglesia. Ganito ang kanilang mga patotoo sa wikang Filipino na :



·        Patotoo ng katoliko

“….at ang mga anak niyang naligaw ay makakabalik lamang sa Ama kung sila ay matipong magkakasama sa iisang katawan, ang Taong bago, sa pinakamataas na kahulugan ng salita, ay ang hiwaga ni Cristo. “(Catholicism, p. 27)

·       
     Patotoo ng Protestante


“….Ang taong ito ay hindi nangangahulugang sinumang indibidwal na tao, kundi, ang ‘TAO’ na tinutukoy sa kabanata 2:15, ang ‘TAO’ na binubuo ng Personal na Cristro bilang Ulo, at ang mga kaanib sa Iglesia bilang Kanyang katawan…”(Christian worker’s Commentary on the whole Bible, p. 510)


“…. Kaya ang taong bago ay kapuwa si Cristo at ang Iglesia…”(The Cost of Discipleship, p. 40)



“…. Ang punto ay ito : ang paglalarawan ni Pablo sa Igesia bilang isang katawan, kasama ang ulo, isang taong bago kay Cristo. Si Cristo ang ulo ng buong katawan kung paanung ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa. (cf. I Cor. 11:3; Efe. 5:23)… “



Ano ang kahalagahan ng pagkakalalang kay Cristo at sa Iglesia bilang isang taong bago? Sa efeso 2:15 ay sinasabi :  “Sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan. “  bakit kailangan ang isang kapayapaan at sino ang nangangailangan ng kaayapaan? Ganito ang paliwanag ng Biblia :



Isaias 57:20-21
“  Nguni't ang masama ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.  Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama. .”



Ang mga taong masama ang nangangailangan ng kapayapaan dahil sila’y nakatakdang lipulin sa araw ang Paghuhukom :



2 Pedro 3:7
"  Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. "

KAPAYAPAAN : KAILANGAN NG LAHAT



Roma 3:9
"  Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan "


Ang buong sanlibutan ay napasailalim ng hatol ng Diyos sapagkat ang lahat ay naging masama, at “ Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. “ (Roma 3:12) bunga sa pagkahulog sa kasalanan ng lahat ng tao (Roma 5:12). Kaya , ang lahat ng tao ay nangangailangan ng “kapayapaan sa Dios sa pamamagitan an gating Panginoong Jesucristo “ ( Roma 5:1 ).



SA PAMAMAGITAN NI CRISTO LAMANG

Ang kapayapaan sa Diyos na kailangan ng lahat ng tao ay matatamo lamang sa pamamagitan ni Cristo. Sa Efeso 2:14 ay sinasabi :



“ Sapagkat siya ang ating kapayapaan, na kanyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na ngapapahiwalay “


 Ang “ Pader “ na sinasabing “ Nasa gitna na nagpapahiwalay “ sa Diyos at sa mga tao ay ang kasalanan :


Isaias 59:2
“ Kundi pinaghihiwalay ng inyung mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig. “


Bakit si Cristo ang  ating kapayapaan? Ao ang ibig sabihin ng giniba ni cristo ang pader o ang kasalanan na nagpapahiwalay sa Diyos at sa mga tao?



Colosas 1:21-22
"  At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.
" Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya "

Ang tao na naging kaaway at nahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan ay ipinakipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo. Sa gayon, nagiba ang pader na nagpapahiwalay sa Diyos at sa mga tao. Nang dahil sa kamatayan ni Cristo naipagkasundo ang tao sa Diyos.
            Kaya ang tinutukoy dito na nagkahiwalay na pinagkasundo sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ay hindi ang mga Gentil at mga Judio, kundi ang Diyos at ang lahat ng mga taong tinubos ng dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ay nabayaran ang pagkakasala ng tao sa Diyos kaya napayapa ang alitan ng Diyos at ng tao :


Efeso 2:4-5
" Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) "



                Pinatunayan sa atin ng mga talatang ito na ang tao, bagaman itinuring nang patay dahil sa kasalanan, ay binuhay na kalakip ni Cristo dahil sa malaking pag-ibig ng Diyos.



ANG KATUWIRAN SA PAGLILIGTAS

          Bakit upang  matamo ng nagkasala ang kapayapaan sa Diyos at maligtas ay dapat munang lumakip siya kay Cristo o malalang silang dalawa na isang taong bago? Sapagkat kung ang nagkasala ay hindi lalakip kay Cristo, magiging labag sa katarungan at sa batas ng Diyos na si Cristo na walang kasalanan ang mamatay. Ang batas ng Diyos ay nagtatadhana na kung sino ang nagkasala, siya ang dapat namanagot:


Deuteronomio 24:16
"  Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan. "


            Batas ng Diyos na ang nagkasala ang dapat mamatay. Papaano, kung gayon, hindi naging labag sa batas ng Diyos at naging makatarungan ang kamatayan ni Cristo gayong siya ay hindi nagkasala, dahil sa paglakip sa kaniya ng mga nagkasala, Siya ang inuring maysala :



II Cor. 5:21
“  Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios. “


                Si Cristo na walang kasalanan ang inuring maysala dahil sa mga taong lumakip sa kaniya ay ginawa Niyang kanyang katawan at siya ang lumagay na ulo (Efe.5:23; Col. 1:18 ). Sa kabuuan ay hindi na sila dalawa , kundi, iisa na—isang taong bago. Dahil ditto, naging makattuwiran ang kamatayan ni Cristo sapagkat ang pinanagutan Niya bilang ulo ay ang kanyang katawan na ito ang Iglesia. Ang paglalang mula sa  dalawa na  maging isang taong bago ang kaparaanan sa pagligtas na pananukala ng Diyos at isinakatuparan.



GANAP NA PAGKAKAISA

          Sa pamamagitan ng taong bago matatamo ang kapayapaan. Ito ang pakikipagkasundo sa Diyos ng mga tao na inihiwalay ng kasalanan upang huwag  na silang mahatulan sa araw ng Paghuhukom. Ang paglalang ng isang taong bago ay nagpapakilala ng kahalagahan ng IGLESIA NI CRISTO. Sa Cristo ang ulo at ang Iglesia ang katawan---Sila ang dalawa na nilalang a isang taong bago. Ito ay sinasang-ayunan maging sa panimula  ng aklat ng Efeso sa BIblia na magkasamang isinalin ng mga awtoridad Protestante at Katoliko :




                “ Sa unang bahagi ng efeso, tinalakay  niya ang pagkakaisa. Tinalakay rin niya ang paraan ng pagpili ng Diyos Ama sa kanyang bayan, sa pagpapatawad at pagpapalaya sa kanila mula sa kanilang kasalanan at pamamagitan ni Jesu-Cristong Anak Niya. Gayun din, binanggit niya kung papaano pinatutunayan ng Espiritu Santo ang dakilang pangakong Diyos. Sa ikalawang bahagi, nanawagan siya na sila’y  mamuhay sa paraang angkop sa kanilang pakikipagkaisa kay Cristo.
“ Gumamit siya ng ilang paghahambing upang ipakita ang pagkakaisa ng mga anak ng Diyos sa pakikipag-isa nila kay Cristo : ang Iglesya ay tulad ng katawan, si Cristoang ulo…”(EFESO: Panimula, Magandang Balita Biblia)



                Kaya, dapat maging maingat ang tao sa pagpili ng relihiyon na kaniyang aaniban. Dapat ay umanib siya sa Iglesia Ni Cristo. Lubhang mahalaga na sa Iglesia ni Cristo mapaanib ang tao sapagkat ito ang katawan ng panginoong Jesus na siyang nagkamit ng kapayapaan sa Diyos at pinangakuan Niya na maliligtas pagdating sa takdang panahon.




SANGGUNIAN

“….And his straying children can only find the way to the father
if they are gathered together in one body, the new man
whose head is our redeemer . This mystery of the new man
is in the highest sense of the word the mystery of chris. “
(De Lubac, Henri, S.j.Catholicism. New York, USA: Sheed & ward, Inc., 1964)
 
 
 
 
“…We will be ‘the New Man’ who is, in fact,
 One Man—the one Christ, Head and Members.”
(Merton, Thomas. The New Man. New York, USA: Bantam Books, 1961.)
 
 
 
“…This ‘man’ does not mean any individual man,
 bit the ‘MAN’ feferred to in chapter 2:15,
 the ‘MAN’ composed of the Personal Christ as the head,
 and tahe members of the church as His body…”
(Gray,James M.,D.D.Christian Worker’s Commentary 
on the Whole Bible.New Jersey, USA:Spire Books, 1971.)
 
 
 
“…The church is called also ‘ One New Man’.Ephesians 2:15.
The New Man is made up of members and head.”
 (O’Hair, Pastor J.C. The Christian Life. Chicago, Illinois:n.p.,1978)
 
 
 
 
“…Hence the New Man is both Christ and the Church…”
(Bonhoeffer,Dietrich. The Cost of Discipleship.
 New York, USA:The Mcmillan Company, 1949)
 
 
 
“…The point is that Paul’s image of the church
 as a body ia the image of a whole body, head included,
 a new man in Christ.Christ is the head over the whole body
 as the husband is the head over the wife 
(cf. I Cor.11:3;Eph. 5:23)…”
(Carson,D.A.,Ed. Biblical Interpretation and the church:

 Text and context. UK:Baker Book House & The Paternoster Press, 1984)

Pag katalikod ng unang Iglesia

Ang pagtalikod ng Iglesia Ni Cristo noong unang siglo




Ang karamihan sa mga tao ay ang Iglesia Katolika Apostolika Romana (IKAR) Ang kinagisnan na ng marami, at sa pag aakala naman nilang, Ang Iglesiang itinayo ni Cristo mula noong unang siglo ay hindi nawala o naipatalikod at nagpatuloy daw hanggang ngayun ng walang lagot.Ito ang ating suriin kung ano ang nangyari sa Iglesia noong unang siglo


Ang Iglesia ay itinayo ni Cristo (mateo 16:18) at kung paano tawaging ng mga apostol ay IGLESIA NI CRISTO (roma 16:16, gawa 20:28 lamsa trans.). Ito ay binubuo ng tatlong pulutong o ng grupo. Ganito po ang patotoo :




Gawa 2:39
" Sapagka't SA INYO ang pangako, at sa INYONG MGA ANAK, at sa lahat ngNANGASA MALAYO ,maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya. "





Ito po ang tatlong groupo na
bahagi na ipinakilala :




  • SA INYO -hudyo

  • SA INYONG MGA ANAK- Mga gentil (1cor. 4:15 , roma 9:4)

  • NANGASA MALAYO -Ang ibang tupa ni Cristo(Juan10:16 )



Ano ang mangyayari sa tatlong pulutong ayun sa hula ni Propeta Zacarias ?




Zacarias 13:8-9
" At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ayMAHIHIWALAY at MAMAMATAY; nguni't ang ikatlo ay MAIIWAN ."
" At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios. "





ANG sabi po ng talata , ang mangyayari sa unang dalawang bahagi ay ganito :




  • MAHIHIWALAY

  • MAMAMATAY




Ang ikatlong pulutong na MAIIWAN ay mula sa MALAYO, At ayun sa hula ng propeta Isaias ay magmumula sa malayong silangan sa panahun ng mga WAKAS NG LUPA (Isaias 43:5-6 Mofatt Translation) , na ito naman ay mula sa Malayong silangan kung saan ang maraming polo ng Dagat (Isaias 24:15 NIV) na ang pilipinas ang siyang katuparan ng pagbangon ng Huling bahagi ng ikatlong pulutong ng IGLESIA NI CRISTO .




Ito po ang ating suriin sa mga naunang dalawang pulutung,Paano ito nawala at naitalikod ? Ano po ang paunang babala ni Cristo sa mga kaanib noong una?




"At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangangingat kayo na huwag kayong maliligaw ninoman." 
(Mat.24:4)



Pinagpaingat ang lahat ng mga kaanib,bakit sa anung dahilan?



"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami." (Mat 24:11)


Sapakat lilitaw ang mga bulaang propeta, na ililigaw nila ang karamihan, sa paanung paraan ?



"Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon, ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio." (I Tim. 4:1)



Dala nila ang Aral ng Demonio na siyang dahilan ng pagkaligaw ng marami. Anu ang halimbawa ng mga Aral ng Demonio na kanilang pinangaral?




1 Timoteo 4:3
" Na IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, at ipinaguutos na LUMAYO SA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan. "



Pagpatatunay sa kanilang Aklat naman ay ganito :




  • PAGBABAWAL SA PAG-AASAWA



"Ang disiplina ng Iglesia (katolika)ay ipinatupad buhat pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote(pari) na mag-asawa pagkatapos na sila'y maordena." 
(Ang pananampalataya ng ating mga ninuno p.396)




  • PAGBAWAL SA LAMANGKATI



Ganito naman ang sabi ng kanilang aklat :


"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at huwagkumain ng anomang lamangkati o karne sa mga araw ng ipinagbabawal niya." (Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, P.139)




Paano naman makikilala ang mga bulaang propeta na mga ito ?


  • DAMIT TUPA


"Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may DAMIT TUPA,datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila." (Mat. 7:15)



Sino ba ang tinutukoy na TUPA na gagayahin ?



"Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya,at sinabi Narito, ang Cordero ng Dios , na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!."
(Juan 1:29)



CORDERO - wikang kastila na sa filipino ay TUPA

Source : tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/kordero.html



Ang tinutukoy na TUPA ay si Cristo na siyang gagayahin. Pinatunayan ba itong ng mga katoliko? Suriin sa kanilang mismong aklat. Ganito ang patunay :



"Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario." (Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, p.195)




Malinaw na ang kinatuparan ng hula at pauna ng Biblia, ay ang mga Pari ang katuparan na mga bulaang propeta na ililigaw ang marami.



  • NAKITULAD SA DIOS


Ang pauna pa ng biblia kung paano makikilala itong mga bulaang propeta?


"Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtiwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.
"Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y natatanyag sa kaniyang sarili na TULAD SA DIOS." (II Tes.2:3-4)




Paanu naging katulad sa Dios? may babala din ba sa Biblia ?



"at huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit ." (Mat. 23:9)



Anung uri ba ang AMA na nasa langit? ganito ang paliwanag :


"Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama,gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin:ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay."(Ezek.18:4)



Ang paging AMA NG KALULUWA, ito ay pinapauna na ng Biblia, na huwag tatawagin ang Sinuman,ito ang lalabagin ng mga bulaang propeta, Sa Aklat katoliko ay ganito ang kanilang pag amin :



"At ang Santo Papa(Ama)ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento , sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'." (Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26)



Aminadong AMA raw ng kalulwa ang mga Pari at papa ng mga katoliko , at siya naman katuparan na pinapauna na siya mga bulaan na mga propeta upang mailigaw ang Marami. Paano at sa anung paraan makilala ang mga taong nailigaw na nila ?



"At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinagbigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo." (Apoc. 13:16)



Ang kakaroon ng tanda gamit ang KANANG KAMAY at Sa NOO. Supurtado ba ito ng kanilang patotoo? Sa kanila paring aklat :





"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nanghinlalaki ng kanyang kamay;ang una'y sa noo, ang ikalawa ay sa bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.." (Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, p.11)



Maliwanag, at Aminado sila yun nga ang tanda ng Mga naturuan ng mga bulaang Propeta. .sa Kabuuan, anu ang tawag sa kanila na may pag aantanda ? sila ang sasagot sa kanilang Aklat :



"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti- Cristong hunghang. " (Pasion Candaba,p.210)



Hayag po at malinaw na inamin nilang ang pagkakaroon ng pag aantanda ay ito ang mga ANTI-CRISTO NA HUNGHANG. Sapagkat ayun sa biblia, ito ang mga tao na sumasamba sa Diablo at hindi sa Dios, at hahatulan sa araw ng paghuhukum ( Apoc. 14:9-11).



PANAHUN NG PAGTALIKOD



Kaylan magaganap ang pagpasok ng mga maling Aral na dala ng mga bulaang propeta?
Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo :



"Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan." (Gawa 20:29)




Atin munang suriin, ano itong "PAG ALIS" ?



"At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha. " (Gawa20:25)




Ang di na makikita ang mukha ni Apostol Pablo, Anu itong mangyayari?




"At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangasiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila, "Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong."
(Gawa 20:37-38)





Nanangis ang mga kapatid na marinig ang pangungusap ni Apostol Pablo ukol sa kaniyang pag-alis na hindi na muling makikita pa ang kaniyang mukha. Anu pala ang mangyayari ?bakit di na makikita ?




"Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na .
"Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo,iningatan ko ang pananampalataya: "Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din namang ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita."
(II Tim. 4:6-8



Ito po ay ang pagkamatay na ni Apostol Pablo o ang kanyang pagpanaw na. .


Ngayun Balikan natin ang unang talata nang (gawa 20:29) na sa pagkamatay ng mga apostol ay hindi sila magpapatawad sa KAWAN? Anu Pala ang gagawin ng mga pumasok na mga bulaang propeta?



"Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian , at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan." 
(Mat. 24:9)





Mayroon pong patayan na naganap,kaya ang tumangging sumunud sa kanilang Aral ay PAPATAYIN ito. Kaya ang ang ilan na hindi nanindigan ay HUMIWALAY.Katunayan hinulaan nang una ni Cristo na may manindigan parin ating basahing mula sa Mateo 24:11,9 ay ganito ang
nakasulat:



“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
“Kung magkagayo’y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo’y
papatayin:…”





Ayon sa hulang ito ng Panginoong Jesucristo, hindi lamang maililigaw ang marami Niyang mga alagad kundi ang iba ay papatayin. Hindi nakapagtataka kung pagkamatay ng mga Apostol ay ibang Iglesia na ang masumpungan natin sa mga tala ng kasaysayan sapagkat kung mayroon mang nanindigan sa tunay na pananampalataya ay pinatay naman ng bagsik ng pag- uusig. Sino ang mga naging kasangkapan sa pagpatay at pagsila sa mga tunay na kaanib sa glesia?

 Sa Gawa 20:29 ay tiniyak ni Pablo ang ganito:





“Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan.” MB




Ang tinutukoy na mga asong gubat na magiging kasangkapan sa lubusang pagtalikod ng Iglesia ay
mga pinuno:



“Ang mga pinuno nila’y parang hayok na asong-gubat kung lumapa ng kanilang biktima…” (Ezek. 22:27, Ibid.)




Ang isa sa tinutukoy ng Biblia na mga asong-gubat ay ang masasamang pinuno na gaya ng mgahari at emperador “ na lumalapa ng kanilang biktima.” Tangi sa mga pinuno ng bansa na umusig sa Iglesia,



Malinaw po at naganap ang HULA ni Propeta Zacarias sa talata ng Zac. 13:8-9 na ang unang dalawang pulutong ay may mangyayaring:



"MAMAMATAY" AT "HUMIHIWALAY"




KASAYSAYAN NG PAGPATALIKOD




Natupad ba ang ibinabala ng mga Apostol na ang Iglesia ay papasukin ng mga maling aral?

Sa isang aklat na pangkasaysayan na pinamagatang'
 World’s Great Events, Vol II. Pp. 163-164, ay ganito ang mababasa:




“Noong una, ang kasaysayan ng Iglesia Romana ay katulad ng kasaysayan ng katotohanan ng Cristianismo. Datapuwat nakalulungkot na dumating ang panahon nang magsimulang dumaloy ang mga batis ng lason mula doon sa nang una’y dalisay na bukal.” (salin sa Pilipino)




Pinatutunayan ng kasaysayan ang pagdaloy sa Iglesia ng mga lasong aral na ikinamatay ng pananampalataya ng mga kaanib nito. Ang pangyayaring ito ay naganap alinsunod sa panahong ibinabala ng mga Apostol –
pagkamatay nila o pagkatapos ng panahon nila magaganap ang pagtalikod ng Iglesia. Kung ang larawan ng Iglesiang ipinakikita ng mga tala ng kasaysayan pagkatapos ng panahon ng mga Apostol ay katulad din ng larawan nito sa kanilang kapanahunan, masasabi nating hindi natupad ang pagtalikod na kanilang ibinabala. Subalit ayon na rin sa patotoo ng kasaysayan, ano kayang uring Iglesia ang masusumpungan pagkatapos ng
mga Apostol?

Sangguniin natin ang isa pang akat na tumatalakay sa kasaysayan ng Iglesia,
  Story of the Christian Church, p. 41:

The Story of the Christian Church



“Sa loob ng limampung taon pagkamatay ni Apostol Pablo ay isang lambong ang nakatabing sa buong Iglesia, na sa loob nito ay sinisikap nating may kabiguan ang makaaninaw, at sa wakas pagkahawi ng tabing na ito, 120 A.D., sa pamamagitan ng sulat ng tinatawag na mga unang ‘Ama ng Iglesia’ ay matatagpuan natin ang isang Iglesia na sa lahat ng bahagi ay ibang iba na sa Iglesia sa kapanahunan nina Apostol Pedro at Pablo.” (salin sa Pilipino)




Hindi pa nalalaunan ang pagkawala ng mga Apostol, ang Iglesia ay wala na sa dati nitong uri. Pinatutunayan ng kasaysayan na may limampung taon pa lamang ang nakalipas pagkamatay ng mga Apostol, ay ibang iba na ang Iglesia sa lahat ng bahagi.



PAGPAPATAY SA MGA CRISTIANO



totoo ang nagpapatay ang katoliko?Sa isang aklat na 'The Modern World', p.344 Ganito ang patotoo :




"..ang Iglesia ay nagtatag ng isang tanging hukuman, ang Ingkisisyon Papa o Pangsanlibutang Ingkisisyon.
" Ang mahahalagang bahagi ng pamamaraan nito ay itinakda ng isang kalipunan ng mga batas na kapuwa pinagpatibay ni Papa Lucio III at Emperador Barbossa noong 1184. Ang mga maliliit na detalye ay idinagdag noong 1230.
Ang gayong mga hukuman ng katarungang pang-espiritu ay itinatag sa mga dakong lubos na hinawahan ng mga maling aral... Itinuturing din ng bansa ang erehiya bilang isang kasalanan, sapagkat pinapaghihina nito ang mga saligan ng pangmadlang kagalingan. Ang parusa na itinakda ng mga batas panlupa ukol sa erehiya ay kamatayan sa apoy . Ang mga ito ay hindi kailanman ipinataw ng pansimbahang hukom. ('The Modern World', p.344)





Walang alinlangan na nagpapatay ng mga di nila kapanampalataya ang Iglesia Katolika. Pinatutunayan ito ng kasay-sayan. Inamin ba ng mga paring Katoliko ang sinasabi ng kasaysayan na ang Iglesia Katolika ay nagpapatay?



Inaamin ito ng Iglesia Katolika at  kanilang kinilala ang pananagutan na pagpapatay sa mga hindi sumang-ayon sa kanilang paniniwala. Ganito naman ang ating mababasa :



'' Ang unang batas ng kasaysayan, pahayag ni Papa Leo XII, tulad ng aming binanggit nang nakaraan, ay upang magpahayag nang walang kasinungalingan at upang huwag magkaroon ng takot sa pagsasabi ng katotohanan. Bilang pagsang-ayon sa matalinong simulaing iyan , tahasan naming kinikilala ang pananagutan ng mga papa sa paggamit ng pagpapahirap at sa pagsunog sa libulibong mga erehe sa tulos. Ang pag papahintulot nila sa ganyang malupit at makahayop na mga pamamaraan ay hindi maitatatuwang isa sa pinakamaitim na mga batik sa talaan ng Banal na Tanggapan at mananatili hanggang wakas na isang dahilan ng pagkutya at kahihiyan sa kapapahan. Kahit tapatang aminin, na siya namang nararapat, na ang kanilang mga layunin ay mabuti at ang kanilang pagsusumakit ay para sa kapakanan ng Kaluluwa ng biktima, hayaang manatiling pananinindiganan na ang malupit at di makataong pamamaraan na ginamit ay hindi mapasusubalian.
(p.49)




'ANG PANANAGUTAN NG KATOLIKO



Ang Iglesia(Katolika)ay hindi makaiiwas sa pananagutan ukol sa paggamit ng pagpapahirap ni sa pagsunog ng mga biktima sa tulos. Ang Iglesia sa katauhan ng kaniyang mga pontipise ang nananagot sa paggamit ng pagpapahirap; ang malupit na gawaing ito ay pinasimulan ni Inocencio IV noong 1252 ...
Pinasisikapan ng pontipise na ipagtanggol ang paggamit ng pagpapahirap sa pamamagitan ng pagtuturing sa mga erehe bilang mga magnanakaw at mamama- tay-tao, paghahalintulad lamang ang kanyang tanging batayan.Ang batas na ito ni Inocencio IV ay muling pinairal at pinatibay ni Alejandro IV noong ika-30 ng Nobyembre,1259, at Clemente IV noong ika-3 ng Nobyembre,1265. Ni hindi makaiiwas ang Iglesia (katolika)sa pananagutan ukol sa pagpapasunog ng mga erehe sa tulos hanggang sa mamatay . Ang pagkukunwari lamang na ibigay ang biktima sa kapangyarihang sekular ay hindi makapaglilingid sa katotohanang ang mga papa ay paulit-ulit na nagpilit sa ilalim ng pagbabantang pagtitiwalag at pagbabawal sa mga pinuno, na igawad ang kaparusahang kamatayan sa mga erehe. (Ibid.,p.47)





Malinaw po. .at hayag na hayag na sa kanila nga natupad ang buong pangyayari kung bakit ang unang IGLESIA NI CRISTO ay nawala at natalikod.Ang katuparan nito ay hindi nawaglit sa mga tala ng kasaysayan gaya ng isinasaad sa :


Halley’s Bible Handbook, sinulat ni Henry H. Halley sa mga pahina 761-762, sa pagkakasalin sa Pilipino:




“Domitan (96 A.D.). Itinatag ni Domitian ang pag-uusig sa mga Cristiano. Maikli ngunit lubhang malupit.


“Trajan (98-117 A.D). Ang Cristianismo ay ipinalagay na isang ilegal na relihiyon, … Ang mga Cristiano ay hindi ipinaghahanap, ngunit kapag napagbintangan ay pinarurusahan.



“Marcus Aurelius (161-180).
Pinasigla niya ang pag-uusig sa mga Cristiano. Ito ay malupit at mabangis ang pinakamabagsik simula kay Nero. Libu-libo ang pinugutan ng ulo o kaya’y itinapon sa mababangis na hayop…



“Septimus Severus (193-211).
Ang pag-uusig na ito ay totoong napakalupit,…



“Decius (249-251). Buong tatag na pinasiyahang lipulin ang Cristianismo.



“Valerian (253-260). Mas mabangis kay Decius; tinangka niya ang lubos na pagwasak sa Cristianismo. Maraming lider ang pinatay…



“Diocletian (284-305). Ang huling pag-uusig ng Imperyo, at siyang pinakamalupit; …ang mga Cristiano ay pinaghahanap sa mga kuweba at gubat; sila ay sinunog, itinapon sa mga mababangis na hayop, pinagpapatay sa pamamagitan ng mga pagpapahirap bunga ng kalupitan.”



Mapapansin natin na halos kaalinsabay ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia ay dinanas ng mga alagad ang bagsik ng pag-uusig na ginawa ng mga emperador Romano – pag-uusig na hindi lamang naging sanhi upang matakot ang mahina sa pananampalataya at tanggapin ang maling aral, kundi pumatay sa
nanindigan sa dalisay na ebanghelyo. Sa madilim na bahaging ito ng kasaysayan ng Iglesia ay dapat nating mabatid na hindi lamang ang lumupig sa Iglesia ay ang masasamang pinuno ng pamahalaan kundi ang mismong kapapahan:




“Leo I (A.D 440-461)…, tinawag ng ilang mananalaysay na Unang Papa…Ipinahayag ang kanyang sarili na Panginoon ng Buong Iglesia; itinaguyod ang Natatanging Pangkalahatang Kapapahan; sinabi na ang pagtutol sa kaniyang kapangyarihan ay Tiyak na Pagtungo sa Impiyerno; itinaguyod ang Parusang Kamatayan ukol sa erehiya.” (Ibid., p. 770)




Hindi kataka-taka na tawagin din ng mga Apostol na mga “asong- gubat” ang mga bulaang propeta hindi lamang dahil sa naging daan sila ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia kundi sila mismo ang sumalakay at hindi nagpatawad sa KAWAN, NA ANG IGLESIA NI CRISTO

BANAL NA HAPUNAN (INC) paano ba isasagawa ang pagbabanal na hapunan? Ang mga manunulugsa sa Iglesia Ni Cristo ay isa ito sa kanila...