Saturday, February 22, 2020

BANAL NA HAPUNAN (INC)


paano ba isasagawa ang pagbabanal na hapunan?


Ang mga manunulugsa sa Iglesia Ni Cristo ay isa ito sa kanilang ginagamit na mga panuligsa.Lalo na nang mga hindi ka pananampalataya na panay ang tuligsa.ang pumapasok sa kanilang isip na mga katanungan, Bakit ang Banal na Hapunan ay Umaga daw? at Bakit may Abuluyan o paghahandog na isanasagawa, Isa isahin natin at nang matauhan at maturuan lalo na sa mga nagsusuri.

Ano ba ang Banal na Hapunan?Bakit ito isinasagawa.



1 Corinto 11:24 “At nang siya'y makapagpasalamat, 
ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y
 aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo:
 GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

1 Corinto 11:25 “At gayon din naman
 hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon,
 na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang
 bagong tipan sa aking dugo: 
GAWIN NINYO ITO SA TUWING 
KAYO'Y MAGSISIINOM,
 SA PAGAALAALA SA AKIN.”

Ang  PAGKAIN NG TINAPAY at ang PAG-INOM SA SARO o ng KATAS NG UBAS, na bahagi ng PAGBABANAL NA HAPUNAN ay ginagawa upang ALALAHANIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO. Paanu ba naisagawa nuon ang pagbabanal na hapunan?

Nung PANAHON ng Panginoong Jesus, ito ay isinabay niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA, o ng KAPISTAHAN ng TINAPAY ng walang LEBADURA ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:



Marcos 14:12 “AT NANG UNANG ARAW
 NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA,
 NANG KANILANG INIHAHAIN ANG
 KORDERO NG PASKUA, ay sinabi sa
 kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan 
mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda
 ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”


Isang pagdiriwang sa mga JUDIYO ang Kapisthan ng Tinapay ng walang LEBADURA, at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Iba ito sa BANAL NA HAPUNAN, dahil ito ay talagang KAINAN.

Pagkatapos ng MAKAKAIN NG HAPUNANG PANGPASKUA, ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUS ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:



Lucas 22:14-15 “At nang dumating 
ang oras, ay naupo siya, at ang mga 
apostol ay kasalo niya. At sinabi niya
 sa kanila, PINAKAHAHANGAD
 KONG KANIN NA KASALO NINYO
 ANG KORDERO NG PASKUANG ITO
 bago ako maghirap:”


Lucas 22:20 “Gayon din naman ang saro,
 PAGKATAPOS NA MAKAHAPON,
na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y
ANG BAGONG TIPAN SA AKING DUGO,
 NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”




Maliwanag ang sabi: PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA, tsaka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN. Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa UNANG IGLESIA, ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA, dahil hindi naman sila mga JUDIYO, ang HAPUNANG PANGPASKUA ay requirement lamang na gawin ng mga Judiyo. Narito ang dahilan:



Exodo 12:27 “Na inyong sasabihin:
SIYANG PAGHAHAIN SA
PASKUA NG PANGINOON,
NA KANIYANG NILAMPASAN
 ANG MGA BAHAY NG MGA
ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO,
 nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio,
at iniligtas ang aming mga
sangbahayan. At ang bayan
 ay nagyukod ng ulo at sumamba.”




Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay PASS OVER nung panahon ni Moises na pinatay ang lahat ng PANGANAY , at hindi nadamay ang mga anak ng bayan ng ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO, dahil sa nilagpasan sila dahil sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga Pintuan. Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON nila ito isinagawa:




1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong PAGTITIPON,
hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon
 ang kinakain ninyo. [
Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]


Ito ‘yong talata na kinagagalitan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano sa Corinto, na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG, kaya niya nasabi na hindi BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.


At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:



1 Corinto 14:26 “Ano nga ito, mga kapatid?
PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON
ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT,
MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG,
 MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG.
 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”


Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang sa DAKO ng mga GENTIL, ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kaya ang Iglesia ni Cristo po ay ganun din, ISINABAY ANG BANAL NA HAPUNAN sa aming PAGSAMBA, gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANO, dahil tayo man ay hindi required na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA, dahil hindi naman tayo LAHING JUDIO.


BAKIT MAY HANDOG ?

Ang PAGSAMBA ang may ABULOY, hindi ang BANAL NA HAPUNAN:


Hebreo 13:15-16 “Sa pamamagitan nga
 niya ay maghandog tayong palagi ng
 hain ng PAGPUPURI SA DIOS,
sa makatuwid baga, ay ng bunga
 ng mga labi na nagpapahayag ng
 kaniyang pangalan. Datapuwa't ang
 paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY
ay huwag ninyong kalimutan:
sapagka't sa mga gayong hain
 ang Dios ay totoong nalulugod.”


Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS, sa PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAGAABULOY kami sa PAGSAMBA, at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.

At gaya ng binangit sa taas, Bakit ang BANAL NA HAPUNAN ay pwede sa umaga?</>
Ito ay sa PAG-AALAALA kay Cristo, kaya puwede nating GAWIN, kahit sa UMAGA, TANGHALI o maging sa GABI. Ang “BANAL NA HAPUNAN ” ay ang PANGALAN na itinawag sa gawaing ito ng PAG-AALALA SA KANIYA. Kaya HINDI APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME” sa pangalang o katawagang ito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba ng mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang TINATAWAG NA “ELEMENT OF TIME”…

Katulad ng “SIMBANG GABI” na isinasagawa sa MADALING ARAW Katulad ng salitang “MIRIENDA ”na sa English ay AFTERNOON TEA , na puwede ring GAWIN SA UMAGA.Ang salitang “NIGHT GOWN”, ay hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT iyon. At kapag isinuot mo sa UMAGA ay hindi na siya NIGHT GOWN.Iyong MUTA SA MATA na tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY, pero hindi nangangahulugan na sa UMAGA ka lang puwedeng magkaroon nun.

Ito naway maging tulong sa mga nagsusuri.At sa naging bulag sa katotohanan..Huwag padala sa maling Aral na bunga ng Haka haka lamang.gaya ng nakasulat sa Roma12:16, na ganito ang sinasabi:

ctto lahing tapat

Thursday, June 6, 2019

Ang Sugo Ng Dios

Maraming aral na ating napatunayan na ang Dios, naghahalal ng mga Sinugo upang tumupad ng kanyang mga salita.

Maraming hindi naniniwala,at ayaw tanggapin na ang kapatid na 
Felix Y. Manalo ay isa sa Inihalal ng Dios,atin ngayung pag aralan ang mga katunayan at mga pagpapatotoo na mayrun ngang Sugo ng Dios na itinalaga sa mga Huling araw na ito.

Tandaan po natin,ang mga Sinugo ng Dios ay may taglay nitong sumusunod:


Isaias 8:20  "Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila. "

Ang UMAGA ay katumbas ng LIWANAG(Isa.58:8). Na Hindi mapapasa kanila kung Hindi Taglay ang DALAWANG bagay na Ito.



1. KAUTUSAN (Kawikaan 6:23)

 Ang itinuturo niya ay hango sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, at hindi galing sa kaniyang sarili lamang(Juan 7:16-18), at hindi niya ginagamitan ng pansariling pagpapaliwanag, at ng kaniyang sariling karunungan. Hindi siya nag-iimbento ng aral dahil lahat ng kaniyang itinuturo ay mababasa sa Biblia.
2. PATOTOO
 (Apocalypsis 19:10)

Dapat may hula o propesiya na tumutukoy sa kaniyang kahalalan o “authority” ng kaniyang pagkasugo sapagkat siyang nagpapatunay ng kaniyang karapatan sa pangangaral- sa madaling salita, kinakailangang ang isang nagpapakilalang sugo ay hinuhulaan o may hula sa Biblia ng kaniyang pagiging sugo. Ating Isa isahin at bigyang Linaw ang katuparang ito.

ANG DAKONG PAGMUMULAN NG SUGO NG DIOS

.

Ang mga hula o propesiya sa Biblia ng mga sinugo ay maraming taon pa bago ang paglitaw nila sa daigdig. Ito ang isa sa palatandaan ng pagiging tunay - ang
 PATOTOO sa kanila ng Diyos na sila ay mga Tunay na sugo.mga halimbawa po nito.



SI JUAN BAUTISTA:

Maraming taon bago ang pagkapanganak kay Juan Bautista ay hinulaan na ang kaniyang pagdating at ang tungkulin na kaniyang gagampanan. Gaya ng mababasa sa aklat ni propeta Isaias:


Isaias 40:3
 ANG TINIG NG ISANG SUMISIGAW, IHANDA NINYO SA ILANG ANG DAAN
NG PANGINOON PANTAYIN NINYO SA ILANG ANG LANSANGAN PARA SA ATING DIOS.”




Makalipas ang ilang daang taon nangaral si Juan Bautista at siya mismo ang nagpatotoo na siya ang katuparan ng hulang ito.


Juan 1:19-23
“At ito ang PATOTOO NI JUAN, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, AKO ANG TINIG NG ISANG HUMIHIYAW SA ILANG, TUWIRIN NINYO ANG DAAN NG PANGINOON, GAYA NG SINABI NG PROPETA ISAIAS.”


Sa ating napansin na KUNG KANiNO LAMANG NATUPAD ANG HULA AY SIYA MISMO ANG NAGPAPALIWANAG NITO. Mapapansin din na sa hula, hindi binabanggit ng Diyos ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang kaniyang tungkulin na gagampanan, at saan siya magmumula, bilang katunayan ng kaniyang kahalalan at karapatan sa pangangaral.


SI APOSTOL PABLO:



Si Apostol Pablo na isa ring sugo ng Diyos ay may hula din na tumutukoy sa kaniya maraming taon bago pa ang kaniyang pagsilang sa mundo:



Isaias 49:6
“Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, IKAW AY AKING IBIBIGAY NA PINAKAILAW SA MGA GENTIL UPANG IKAW AY MAGING AKING KALIGTASAN HANGGANG SA WAKAS NG LUPA.”


Na nang magkaroon ng katuparan ay ipinaliwanag din ni apostol Pablo ang kahulugan nito at nagpatotoo rin na ito’y natupad sa kaniya:



Gawa 13:46-47
“At NAGSIPAGSALITA NG BUONG KATAPANGAN SI PABLO at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.  Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, INILAGAY KITANG ISANG ILAW NG MGA GENTIL, UPANG IKAW AY MAGING SA IKALILIGTASHANGGANGSA KAHULIHULIHANG HANGGANAN NG LUPA.”



ANG PANGINOONG JESUCRISTO:


Katulad din ng ibang mga sugo ng Diyos, ang ating Panginoong Jesu-Cristo na siyang pinakadakilang sugo 
( Filipos 2:9 ) ay may hula rin na tumutukoy sa kaniya na nagpapatunay at kahayagan ng kaniyang karapatan bilang tunay na sugo, bago ang kaniyang paglitaw o ang kaniyang pagsilang sa sanglibutan. Narito ang hula na tumutukoy sa kaniya:



Isaias 61:1-2
“ANG ESPIRITU NG PANGINOONG DIOS AY SUMASA AKIN; SAPAGKA'T
PINAHIRAN AKO NG PANGINOON UPANG IPANGARAL ANG MABUBUTING BALITA SA MGA MAAMO; KANIYANG SINUGO AKO UPANG MAGPAGALING NG MGA BAGBAG NA PUSO, UPANG MAGTANYAG NG KALAYAAN SA MGA BIHAG, AT MAGBUKAS NG BILANGGUAN SA NANGABIBILANGGO; UPANG MAGTANYAG NG
KALUGODLUGOD NA TAON NG PANGINOON, AT NG KAARAWAN NG PANGHIHIGANTI NG ATING DIOS; UPANG ALIWIN YAONG LAHAT NA NAGSISITANGIS;”





Na katulad din ng mga una nating halimbawa, dumating ang panahon na ipinaliwanag din ni Jesus na siya ang kinatuparan ng hulang ito:




Lucas 4:16-21
“At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. AT IBINIGAY SA KANIYA ANG AKLAT NG PROPETA ISAIAS. AT BINUKLAT NIYA ANG AKLAT,
NA NASUMPUNGAN NIYA ANG DAKONG KINASUSULATAN, SUMASA AKIN ANG ESPIRITU NG PANGINOON, SAPAGKA'T AKO'Y PINAHIRAN NIYA UPANG IPANGARAL ANG MABUBUTING BALITA SA MGA DUKHA: AKO'Y SINUGO NIYA UPANG ITANYAG SA MGA BIHAG ANG PAGKALIGTAS, AT SA MGA BULAG ANG PAGKAKITA, UPANG BIGYAN NG KALAYAAN ANG NANGAAAPI, UPANG ITANYAG ANG KAAYAAYANG TAON NG PANGINOON. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. AT SIYA'Y NAGPASIMULANG MAGSABI SA KANILA, NGAYO'Y NAGANAP ANG KASULATANG ITO SA INYONG MGA PAKINIG.”




Kapansin-pansin na binasa muna ni Jesus ang dakong kinasusulatan ng hulang tumutukoy sa kaniya at saka niya ito ipinaliwanag. Makikilala ang mga tunay na sugo kung sila’y hinuhulaan sa Biblia, bago pa sila isinilang, hindi sinasabi ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang huhulaan ay ang kanilang paglitaw, ang kanilang tungkuling gagampanan na siyang katibayan ng kanilang karapatan sa pangangaral.




TATLONG SUGO NG DIYOS NA HINULAAN SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS PARE- PAREHONG NAGPATOTOO AT NAGPALIWANAG NA SILA ANG KINATUPARAN NG PROPESIYA o HULA NA NATUPAD SA KANILA.



ANG KAPATID NA FELIX Y. MANALO




paanu naman hinulaan ? Mayroon Bang Itinalagang Huling Sugo Ang Diyos? Sa 
Isa. 41:4, ay ganito ang ipinakikilala:


“ Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga.”



Ayon sa Diyos, Siya ang gumawa at yumari ng mga sali’t saling lahi mula nang una. Ang Diyos ay kasama ng mga unang tinawag. Kasama rin ba ang Diyos ng Kanyang tinawag na HULI? Kasama ng huli. Kailan tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? 
Sa Isa. 41:9, ay sinasabi ang ganito:


“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”



Ang Huling Sugo ay tatawagin ng Diyos mula sa
 “mga wakas ng lupa.” Kailan ang tiyak na panahon ng “mga wakas ng lupa?” Sa pag-alam ng tiyak na panahon nito ay hindi natin maiiwasan na pag-aralan ang pagkakahati-hati ng panahon ni Cristo. Sa ilang bahagi nababahagi ang panahon ni
Cristo? Sa 
Apoc. 5:1, ay ganito ang sinasabi:



“At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.”



Sa talatang ating ginamit ay may binanggit na isang aklat na may pitong tatak. Tunay bang aklat o libro ito? Sa 
Isa. 29:11, ay ganito ang paliwanag:


“At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan.”

Tunay bang aklat o libro ang may pitong tatak? Hindi, kundi mga pangitain na itinulad lamang sa aklat. Ang aklat o pangitain ay may pitong tatak. Ipinakita nga ba sa pangitain ang panahon ni Cristo, mula sa Kanyang pagkapanganak hanggang sa Kanyang pagparito sa paghuhukom? Sa 
Apoc. 1:10, 19, ay ipinakikilala ang ganito:


“Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak. “Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating.”




Ipinakita ba sa pangitain ang buong panahon ni Cristo? Ipinakita. Ang buong panahon ni Cristo ay ipinakita kay Juan Apostol sa pangitain at ipinasulat. Ito ang itinulad sa pitong buko ng panahon ni Cristo. Alin sa pitong tatak o buko ng panahon ni Cristo ang “
mga wakas ng lupa”? Ito’y nasa dulo ng ikaanim na tatak. Bakit? Sapagka’t ang dulo ng ikaanim na tatak ay ISANG WAKAS. Pagkatapos ng ikaanim na tatak ay simula naman ng ikapitong tatak at ito ang wakas na hati ng panahon ni Cristo, sapagka’t sa dulo nito ay ang paghuhukom. Kaya ang katapusan ng ikaanim na tatak at ang simula ng ikapitong tatak ay DALAWANG WAKAS. Kung gayon, ang “mga wakas ng lupa” ay nagsisimula sa dulo ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo na siyang panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO. Paano natin matitiyak kung kalian ang panahon ng “mga wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao?



Dapat nating malaman ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak o buko ng panahon ni Cristo. Ano ba ang pangyayaring naganap sa panahong iyon? Sa 
Apoc. 6:12, 15, ay sinasabi ang ganito:



“ At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak…” Ano ang pangyayaring naganap
sa dulo nito?  “At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok. ”





Ano ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo? Ang pagtatago sa yungib ng mga hari, ng mga prinsipe, ng mga pangulong kapitan, ng mayayaman, ng mga laya at ng mga alipin. Ano ang dahilan at 
magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao? Sa Jer. 4:13, 19, ay ganito ang pahayag:



“Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

“Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay
kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”





Ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo? Sila’y magsisipagtago sa yungib dahil sa magaganap na 
DIGMAAN. Anong uring digmaan ito? Ito’y isang digmaang makabago, sapagka’t ito’y gagamitan ng mga kasangkapang pandigma na makabago na hindi pa ginamit sa mga digmaang nakaraan. Anu-
anong mga bagong kasangkapang pandigma ang gagamitin?
 

Gagamitan ito ng mga karo na sasagupang parang mga ipuipo na umiikot. Ito ang mga tangke. Gagamitan din ng mga kabayong matulin pa kay sa mga agila na may dalang kapahamakan. Ito ang mga eroplano na kung tawagin ng Kasaysayan ay
 “ aerial cavalry” o kabayuhang paghimpapawid. Kapag sumasalakay ang mga eroplano ng mga kaaway ay inihuhudyat o may sirenang tumutunog na babala sa mga tao na sila’y dapat magsipagtago sa yungib.  Ang mga tao naman ay magsisipagtago sa “air raid shelter” o sa yungib.
Anong uring digmaan ang unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano ? Ayon sa pahayag ng Diyos ang digmaang iyan ay DIGMAANG PANDAIGDIG, sapagka’t ang lahat ng mga bansa at ang lahat ng kanilang mga hukbo ay makakasangkot sa digmaang iyan (Isa. 34:1-2).



Mayroon nga bang naganap na Digmaang Pandaigdig na unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano? Mayroon. Alin ito? Ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 
1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng mga “wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao ay 1914. Ayon naman sa ating Panginoong Jesucristo, magaganap nga ba ang digmaang ito sa katapusan ng ikaanim na tatak na siyang pintuan ng ikapitong tatak o buko ng panahon ni Cristo?



“Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (Mat.24:33).



Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, kapag nakita na ang digmaang ito, ito’y pintuan na. Pintuan ng ano itong digmaan noong 1914?  Sa 
Apoc. 8:1, ay sinasabi ang ganito:

“At nang buksan niya ang ikapitong tatak…” 


Ang digmaan noong 1914 ay pintuan ng ikapitong tatak ng panahon ni Cristo. Ang katapusan ng ikaanim na tatak ay siyang 
pinto ng ikapitong tatak na huling hati ng panahon ni Cristo. Kaya ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak na tinatawag na “mga wakas ng lupa” o 1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO ay 1914.

Paano Inihalal Ng Diyos Ang Kanyang Huling Sugo


Sa 
Isa. 41:9, ay ganito ang pahayag:



“ Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi
kita itinakuwil.”




Paano inihalal ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? Ang Huling Sugo ay tinawag ng Diyos mula sa mga sulok niyaon. Alin ba ang mga sulok na ito? Ang mga sulok o direksiyon ng lupa. Alin-alin ito? 
Silangan, Kanluran, Hilagaan at Timugan (Isa. 43:5-6).



Sa lahat ba ng mga sulok o direksiyong ito ng lupa tatawagin ang Huling Sugo?  Hindi, kundi sa mga sulok. Saan-saang mga sulok o direksiyon ng lupa tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo?

Sa Timugan, sa Hilagaan at sa Silanganan. Paano tinawag ng Diyos ang Sugong ito sa Timugan?


Ang Sugong ito, dati’y isang Katoliko.  Ang Iglesia Katolika na nasa Pilipinas ay galing sa 
Roma. Ang Roma, ayon sa mapa, ay nasa TIMOG ng Europa. Pagkaraan ng ilang panahon, ang Sugong ito’y nalipat sa Protestante. Ang Protestanteng nasa Pilipinas ay nanggaling sa Hilagang Amerika.



Ang Amerika bagaman at nasa Kanluran ng mundo ay nagkaroon ito ng dalawang lupalop. Ang isa’y tinatawag na
 Hilagang Amerika (North Amerika) at ang isa nama’y tinatawag na Timog Amerika (South Amerika). Ito’y nakakatulad din ng lalawigan ng Ilocos, bagaman nasa Hilaga ng Luson ay may tinatawag na Ilocos Norte at Ilocos Sur. Alin naman ang tiyak na dako ng Sugong ito na tinutukoy ng Diyos sa hula? Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:



“ Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong
gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin naming gagawin.”




Alin ang dako ng Huling Sugo na tinutukoy ng Diyos sa hula? Ayon sa hula, ang Diyos ay may tinawag na Ibong Mandaragit mula sa silanganan. Ito ba’y talagang ibon? Hindi, ito’y taong gumagawa ng payo ng Diyos. Saan nagmula ang tao?

Sa 
malayong lupain. Sapagka’t ang ibon ay yaon din ang tao at ang ibon ay mula sa Silanganan at ang tao ay mula sa Malayo, kaya ang pagmumulan ng Sugong ito ay sa Malayong Silangan.

Saan naman magmumula ang lahi ng Sugong ito? Sa Isa. 43:5-6, ay
sinasabi ang ganito:




“ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

“Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”





Ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw ay magmumula rin sa Malayong Silangan. Pinupuna kami ng aming mga kalaban sa paggamit ng Isa. 43:5-6. Hindi raw kami marunong gumamit ng talata ng Biblia. Bakit?  Sapagka’t iyon daw salitang Silangan at Malayo na magkahiwalay ng talata ay pinagsasama at pinaglalapit daw namin.

Ang salitang Silangan daw ay nasa talatang 5 at ang salitang Malayo raw naman ay nasa talatang 6. Kung ang salitang Silangan at Malayo sa Bibliang Tagalog na isinalin ng mga Protestante ay magkahiwalay at hindi magkasama sa isang talata ay hindi dapat isisi sa amin.

Hindi rin dapat na paratangan kami na hindi marunong gumamit ng mga talata ng Biblia kung aming pagsamahin sa isang talata ang dalawang salitang ito. Bakit? Sapagka’t hindi kami ang nagsalin ng Biblia. Sa Bibliang Ingles ba’y talagang magkasama sa isang talata ang salitang Silangan at Malayo? Opo. Sa Isa. 43:5, sa salin ni James Moffatt, ay ganito ang sinasabi:




“From the far east will I bring your offspring…” (Mula sa Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).


Samakatuwid, ayon sa katuparan ng hula, ang Sugo ng Diyos sa Huling Araw at ang kanyang lahi ay magmumula sa Malayong Silangan. Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan?

Sa World History nina Boak, Slosson at Anderson, sa pahina 445, ay ganito ang
sinasabi:




“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the Far
East.”



Sa Wikang Pilipino ay ganito ang ibig sabihin:



“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong
Silangan.”



Anung mga patotoo pa mula sa Biblia na ito ay ang Pilipinas ang pagmumulan ng Sugo




Isaias 41:4-5
 “Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una?
Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga, Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at
nagsiparito.”



May binabanggit dito ang Diyos na huli dahil ang sabi niya’y 
“ kasama ng huli”, na ang ibig sabihin ay sasamahan ng Diyos ang huling sugo niyang ito. May sinabi din siyang “ Nakita ng mga pulo”, na ang ibig sabihin na ang dakong pagmumulan ng sugong ito ay binubuo ng mga pulo at doon lilitaw at makikita ang huling sugong ito ng Diyos. Saan matatagpuan ang mga pulong ito na siyang
makakakita sa paglitaw ng huling sugo? Sa aklat pa rin ni Isaias:


Isaias 24:15
 “Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.”


Ang mga pulo na makakasaksi sa paglitaw ng huling sugo ng Diyos ay nasa silanganan, anong silanganan ang tinutukoy? Saang panig ng daigdig ito matatagpuan? Ating basahin sa English Bible ang nasabing hula:


Isaiah 46:11
 “ Calling a ravenous bird from the east, the man that
executeth my counsel from a far country : yea, I have spoken it, I will also bring it to pass; I have purposed it, I will also do it.” 
[ King James Version ]



Ang sabi ng Biblia 
“far country” o malayong bansa na nasa “ east” o silanganan. Samakatuwid ang sugong ito na hinuhulaan ay manggagaling sa isang malayong bansa – malayo sa bansang Israel, kaya malinaw na hindi sa Israel manggagling – isang malayong bansa sa silanganan na binubuo ng mga pulo . Maliwanag na ang tinutukoy ay ang PILIPINAS.


Ang tawag sa PILIPINAS :



“Perlas ng Silanganan” sapagkat ang Pilipinas ay nasa silanganan o “FAR EAST”. Ang pinanggalingan ng PANGALAN ng PILIPINAS:


“Las Islas de Felipe ” sa tagalog ay “Mga Pulo ni Felipe” (Mula kay King Philip II ang Hari ng Spain nung panahon na tayo ay sakupin noong 16 th Century). At totoo naming binubo ang Pilipinas ng napakaraming pulo na mahigit 
7,000 na mga isla o pulo na siyang pinakamarami sa buong Asia kaya nga ang tawag sa bansa natin ay PHILIPPINE ISLANDS na sa tagalog ay KAPULUAN NG PILIPINAS . Kumuha pa tayo ng dagdag na patotoo o katibayan:


Ating basahin sa Hebrew (ang original na wikang ginamit sa pagkakasulat ng aklat ni Isaias) ang nasabing talata:




Mapapansin sa original na wika sa Isaias 46:11  atin nang ipinakita sa itaas ating mapapansin sa bandang itaas sa gawing kanan ang salitang “mimizrach ” (iyong “may bilog” – pansinin din ang pronounciation na nasa gawing kaliwa sa ibaba ng Hebrew word) na may root word na “ mizrach ” na tumutukoy sa salitang “silanganan ” na siyang panggagalingan ng “Ibong Mandaragit”.



Ano ba ang ibig sabihin ng Hebrew word na mizrach ?


“.., mizrach , is used of the far east with a less definite signification.
[
Smith’s Bible Dictionary]


Ayon sa isang kilalang Bible Dictionary ang salitang mizrach ay ginamit upang tumukoy sa “far east” o malayong silangan . Kaya tiyak na tiyak na talagang ang Pilipinas ang tinutukoy na panggagalingan ng sugong hinuulaan…at ito’y may patotoo pa mula sa isang Pari ng Iglesia Katolika. Na nagpapatunay na ang Pilipinas ay nasa FAR EAST o Malayong Silangan:



"It cannot be without significance that the country which stands almost at the geographical center of the Far East, the Philippines, should also be that in which Christianity has taken the deepest root." (Asia and the Philippines, written by a Jesuit Priest Horacio dela Costa, page.169 )


Sa Filipino:


“Hindi maaaring mawalan ng kabuluhan na ang bansa na matatagpuan sa halos panggitnang pang- heograpiya ng Malayong Silangan, ang Pilipinas , na siyang kinatatagang mabuti ng Cristianismo.”



Kaya atin ngayong natitiyak na talagang may sugo ang Diyos na lilitaw sa Pilipinas – at ito’y ang Kapatid na Felix Manalo. Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan? Ang PILIPINAS. Kung gayon, ang Sugo ng Diyos sa huling Araw na ito ay taga Pilipinas o isang Pilipino. Siya’y naging Katoliko muna, pagkatapos ay naging Protestante, at saka pa lamang tinawag ng Diyos sa kanyang
bayang Pilipinas na maging Sugo noong 1914.

Paano natin matitiyak at makikilala kung sino ang kinatuparan ng hulang ito? Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mismong taong kinatuparan ng hula. Sino ang nagpapakilalang kinatuparan ng hulang ito? Si Kapatid na Felix Manalo.


Tangi ba sa kanya ay may iba pang nagpapakilala na kinatuparan ng hulang ito? Wala na! Bakit naman wala nang iba pang kinatuparan ng hulang ito kundi si Kapatid na Felix Manalo? Sapagka’t ang hula ay tanging ukol lamang sa kanya at para sa kanya! Totoo bang si Kapatid na Manalo dati’y isang Katoliko at pagkatapos ay naging Protestante? Opo. Totoo bang mula sa Protestante ay tinawag siya ng Diyos sa kanyang Bayang Pilipinas noong 1914 upang maging Kanyang Sugo sa Huling Araw na ito? Opo. Ano ang katunayan? Ipinangaral ni Kapatid na Manalo ang Iglesia ni Cristo at ito’y narehistro sa ating Pamahalaan noong 1914. Tunay na Pilipino ba siya? Opo. Kung gayon, si Kapatid na Felix Manalo ang Huling Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito na tinawag ng Diyos dito sa Pilipinas noong 1914.



Ano Ang Kahalalang Ibinigay ng Diyos Sa Huling Sugo?


Sa Isa. 41:9, ay ganito ang sinasabi:




“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”



Ano ang kahalalang ibinigay ng Diyos sa Huling Sugo? Kinikilala ng Diyos na ang Huling Sugo ay Kanyang lingkod, Kanyang pinili at hindi Niya itatakwil. Bakit pinagsabihan ng Diyos ang Huling
Sugo na hindi Niya itatakwil? Sapagka’t ang Sugong ito’y itatakuwil ng mga tao at kahit ng mga taksil na naging ministro sa Iglesia ni Cristo. Itinakuwil nga ba siya? Itinakuwil. Ngunit itinakuwil ba siya ng Diyos? Hindi! Ano ang katunayan? Nang maalis ang mga taksil na ministro na ipinasok ng lihim sa Iglesia, ang Iglesia ni Cristo ay lalong lumago at lumakas sa banal na tulong at biyaya ng Diyos. Ano
ang uri ng gawain ng Sugong ito sa Huling Araw ayon sa hula? Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:




“ Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin naming papangyayarihin; aking,
pinanukala, akin naming gagawin.”



Sa ano itinulad ang uri ng gawain ng Sugong ito? Itinulad sa ibong mandaragit. Bakit itinulad sa ibong mandaragit ang Gawain ng Sugong ito? Sapagka’t sa pagbangon ng Sugong ito rito sa Pilipinas noong 1914, ang mga tao sa Pilipinas ay mayroon nang kinabibilangang relihiyon, kaya mula roon ay kanyang daragitin ang mga taong tinatawag ng Diyos sa Iglesia ni Cristo. Ayon din sa hula, saang mga relihiyon manggagaling ang karamihang daragitin ng Sugong ito? Sa Isa 43:6, ay sinasabi ang ganito:




“ Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”




Saan manggagaling na mga relihiyon ang karamihang daragitin ng Huling Sugo? Sa mga relihiyong manggagaling sa TIMUGAN at HILAGAAN. Ang relihiyong nanggaling sa Timugan ay ang Iglesia Katolika, sapagka’t ang Roma na pinagmulan ng Iglesia Katolika ay nasa Timog ng Europa. Ang relihiyon naming nanggaling sa Hilaga ay ang mga Protestante sa Hilagang Amerika na dumating dito sa Pilipinas. Totoo nga bang ang karamihan sa mga taong nadadala sa Iglesia ni Cristo ay nanggaling sa Iglesia Katolika at sa mga Protestante? Opo. Paano sila dinaragit ng Huling Sugo?

Dinaragit sila ng Huling Sugo hindi upang kanyang silain, kundi upang gawing mga anak ng Diyos na mga lalake at babae. Siya ang gagawa ng payo ng Diyos upang madala sila sa marapat na paglilingkod. Siya ang naghahanda ng mga leksiyong itinuturo sa mga propaganda, sa mga pagduduktrina at sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo kung araw ng Huwebes at Linggo.

Ano ang katunayang ang gawaing ito ng Huling Sugo ay pangangaral ng Ebanghelyo? Sa isa pang hula ng Diyos sa Apoc. 7:2-3, ay sinasabing:




“Ang ibang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw na taglay ang tatak ng Diyos na buhay…” 

Sa paghahawak ng tatak ng Diyos ay nag-iisa siya, datapuwa’t sa pagsasagawa ng pagtatatak ay mayroon na siyang mga katulong.  Kaya ang sabi sa talatang 3 ay,


“hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos.”



Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ang pagtatatak ay ang pangangaral ng Ebanghelyo Efe. 1:13).  Ang salitang “anghel” ay maliwanag na pinatutunayan sa Biblia at maging ng mga Diksiyonaryo (talatinigan) na ang kahulugan ay “SUGO” o “UTUSAN” ng Diyos.



Kaya ang ibang anghel sa Apoc.7:2, ay Sugong tagapangaral ng Ebanghelyo. Ang Sugong ito’y magmumula sa sikatan ng araw o sa silanganan. Dahil dito’ynatitiyak natin na ang “Ibong Mandaragit” at ang “Ibang Anghel” ay iisang tao ang tinutukoy ng Diyos sa hula, at ito’y si Kapatid na Felix Manalo ang tiyak na kinatuparan. Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugong ito na magmumula sa Malayong Silangan o sa Pilipinas?

Sa Isa. 41:10, ay ganito ang sinasabi:



“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”




Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugo o kay Kapatid na Felix Manalo? Sinabi ng Diyos sa Sugong ito:




“Huwag kang manlupaypay, Ako’y iyong Diyos.”



Ang pangakong ito ay katulad din ng pangako ng Diyos kay Abraham. Sinabi ng Diyos kay Abraham:



“Ako’y iyong Diyos.”


Kung gayon, sa huling araw na ito ay ipinakikilala ng Diyos na ang Kanyang Huling Sugo ang taong may Diyos. Ang Diyos ay napadidiyos sa kanya. Kaya ang sinumang tao na ibig dumiyos sa Diyos ay nararapat makisama o makiisa sa Kanyang Huling Sugong ito. Ang sabi pa ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo:




“Aking palalakasin ka.” 


Natupad ba ang pangakong ito kay Kapatid na Felix Manalo? Opo. Ano ang katunayan nito? Ang mabilis na paglago at malakas na paglaganap ng Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Kapatid na Manalo, na ito’y pinatutunayan din ng mga pari at ng mga pastor sa kanilang mga aklat na sinulat.

Sa kasalukuyan ay maraming mga Katoliko, mga Protestante, mga Aglipayano at iba’t iba pang relihiyon ang nakaanib na at patuloy na umaanib pa sa Iglesia ni Cristo. Sinabi pa ng Diyos sa Kaniyang Huling Sugo:



“Aking tutulungan ka.”
Tinulungan nga ba ng Diyos si Kapatid na Manalo? Opo. Ano ang katibayan nito? Ang malalaki, magaganda at mga mamahaling kapilya na naitayo at ipinatatayo pa ng Iglesia ni Cristo sa iba’t-ibang dako ng Kapuluang Pilipinas na hinahangaan din maging ng mga kalaban ng pananampalatayang ito.

Ang makapangyarihang gawang ito na marahil ay hindi iniisip ng sinuman na matutupad sa Iglesia ni Cristo ay malinaw na tulong ng Diyos kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo. Ipinangako pa rin ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo:



“Aking aalalayan ka ng kanang kamay ng Aking katuwiran.”


Natupad ba ang pangakong ito kay kapatid na Manalo? Opo. Ano ang katunayang ating masasaksihan? Ang katunayang ating masasaksihan na si Kapatid na Manalo ay inaalalayan ng kanang kamay ng Katuwiran ng Diyos, na ang katuwiran ng Diyos ay ang Ebanghelyo, sa pamamagitan ng masiglang pangunguna at pagtatagumpay sa larangan ng pangangaral ng mga salita ng Diyos. Paano natin mapaniniwalaan na si Kapatid na Manalo at ang Iglesia ni Cristo ang nangunguna at nagtatagumpay sa larangan ng pamamahayag ng Ebanghelyo?

Natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang sinasabi sa Isa. 41:11-12 na ganito:



“ Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito:
silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.
“Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang
nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng
bagay ng wala.”




Ano ang natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo na nagpapatunay na ito’y nangunguna nga at nagtatagumpay sa larangan ng pangagaral ng Ebanghelyo sa tulong ng alalay ng kanang kamay ng katuwiran ng Diyos?

Lahat ng lalaban sa Sugong ito at sa Iglesia ni Cristo ay mapapahiya at malilito. Ito’y isang katotohanang nasaksihan hindi lamang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, kundi maging ng hindi pa kaanib sa Iglesia ni Cristo. At sa panahong ito’y wala na halos ibig makipaglaban ng diskusyon sa mga ministro ng Iglesia ni Cristo, sapagka’t sila’y nangapapahiya at nalilito lamang sa panahon ng labanan.

Ang mga dating mahihigpit na kaaway ay marami na ang nagsipanaw at ang iba namang buhay pa ay para namang wala na. Tangi ba rito’y ano pa ang pangako ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo?

Sa Isa.  41:13-15, ay ganito ang pahayag:




“Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na
magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
“Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel."


“Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.”




Natupad din ba kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang pangakong ito ng Diyos? Opo. Ano ang katunayan nito? Dahil sa ang Huling Sugong ito’y ginawa ng Diyos na bagong kasangkapang panggiik, ay gigiikin at didikdikin niyang durog ang mga bundok o ang mga pamunuan. Paano ito nangyari? Sa mga kampanya ng mga pagpapahayag ng mga salita ng Diyos ay dinudurog ng Sugong ito ang mga MALING ARAL ng iba’t ibang pamunuan ng mga iglesia. Sa mga pagduduktrina at
maging sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay dinidikdik na durog ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo ang mga ARAL NG KADILIMAN, unang-una na ang Iglesia katolika na tulad sa pinakamalaking bundok sa mga relihiyon.

Samakatuwid, ang mga pangakong ito na natupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang matibay na katunayan na Sugo nga ng Diyos si kapatid na Felix Manalo sa huling araw na ito. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang Huling Sugo.

Isinumpa ng Diyos na kapag sinalita Niya’y gagawin Niya at kapag pinanukala niya’y papangyayarihin Niya (Isa. 46:11 )

Nguni’t ipinalalagay ng mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo na sa Israel daw ukol ang pangakong ito at hindi kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo sa huling araw. Sila’y nagkakamali, sapagka’t hindi ang lahat lamang ng mula kay Abraham ang kinikilalang Israel, kundi yaong mga anak man sa pangako. Kaya ang mga kay Cristo o ang Iglesia ni Cristo ay mga anak sa pangako at sila’y ibinibilang na binhi ni Abraham (Rom. 9:6-8; Gal. 3:29 ).



Ano Ang Magiging Buhay Ng Huling Sugo Ng Diyos?



Sa 
Isa. 41:16, ay ganito ang sinasabi:


“Iyong pahahanginan, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.”


Ang magiging buhay ng Huling Sugo ng Diyos ay maligaya, sapagka’t siya’y magagalak sa Panginoon. Paluluwalhatiin ng Diyos ang kanyang pamumuhay, dahil sa mga tagumpay sa kaluwalhatian ng Diyos at ng Iglesia ni Cristo. Aling kaluwalhatian ito? Sa 
Isa. 14:18, ay sinasabi ang ganito:



“Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.”


Ang kaluwalhatiang tulad ng sa mga hari sa lupa. Ito ba’y isang katotohanan na nakikita nating natutupad sa Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito? Opo.  Ano ang katunayan nito? Ang pagtanggap sa kanya ng mga tao, hindi lamang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, kundi ng mga hindi pa kaanib sa Iglesia ni Cristo na higit sa pagtanggap sa mga kinikilalang dakilang tao sa sanlibutan. Kinikilala siya at binibigyan ng mataas na pagpaparangal ng magkakalabang pangkating ukol sa lupa.

Bagaman ang sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito ay itinulad sa UOD na Jacob, na kung sukatin sa kalagayan ay 
mahina at walang katangiang tulad ng mga dakila at marurunong na kinikilala ng mga tao sa lupa, gayunman, ang kaluwalhatiang tinamo sa Diyos ng Huling Sugo ay hindi nila natamo.

Bakit ang mga kahanga- hangang bagay na ito ay nagiging isang ganap na katotohanan sa buhay ng Huling Sugo? Sapagka’t tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako sa kanyang Sugo sa Huling Araw na ito. Ang sugong ito’y palalakasin at tutulungan ng Diyos ( Isa. 41:10 ).


Si kapatid na Felix Manalo ay pinalakas ng Diyos na dahil dito’y naging mabilis ang paglago ng Iglesia ni Cristo. Siya’y tinulungan ng Diyos na pinatutunayan ng hindi matatawarang pag-unlad ng Iglesia ni Cristo, na nagpapatuloy sa pagtatayo ng mga kapilyang malalaki, magaganda na nagkakahalaga ng angaw-angaw na piso. Nakabibili ng malalawak na lupa na pinagtatayuan ng mga makabagong kapilya. Ang Sugong ito’y inalalayan ng Diyos ng Kanyang katuwiran, kaya ang lahat ng mga tagapangaral na lumaban sa Kanya ay napapahiya at nalilito.

Sanay nakatulong sa mga nagsusuri,at patuloy na nagsusuri sa aral ng IGLESIA NI CRISTO

PAGKAKAISA SA HALALAN






Malapit na naman ang election. Marahil ang maraming tao ay hindi makapagdisisyon kung sino ang pipiliin lalo na sa papalapit na halalan. Nagkakaroon ng iba't ibang isipan at kung sa paanong paaran nila maisasagawa ang tamang pagpili at disisyon ukol rito. Subalit sa kabila nito, hindi naman maiiwasan ang pang-uusig ng ilan sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sapagkat para sa kanila ay WALA NA RAW KALAYAAN ANG MGA MIYEMBRO at MGA UTO-UTO raw sapagkat sunod-sunuran sa Pamamahala kung ano ang kanilang mapasyahang iboto ay iyon ang dapat sundin at IHALAL ng Buong Iglesia. Bakit pa raw kailangan pa isali sa pang relihiyong aktibidad  ang ganitong okasyon na may kaniya-kaniya naman raw tayong maaaring ipasya.


Alam nyu ba kung bakit nasasabi nila ang mga ito sa amin? Isa lang naman masasabi ko e, MARAMI ang tao na ganito ang pagtingin sa mga miyembro ng INC sapagkat hindi nasubukang MAKINIG NG DOKTRINA kung bakit solido ang pagkakaisa ng mga kaanib. Kaya isa lamang masasabi ko, padoktrina kayo bago magbitiw ng konklusyon. Kung sa pagkain pa ay "BAGO MO SABIHING WALANG LASA AY TIKMAN MO MUNA".


BIBLIA PARIN ANG BATAYAN

Mali ba ang ginagawa ng mga KAANIB sapagkat nagkakaisa gaya ng HALALAN?.Sa pagdidisyon po sa buhay na ito, ang pinakamabisang paraan ay ang BIBLIA o salita at turo ng DIOS parin at ito ang nagbibigay ng tamang pagpapasya :


2 Timoteo 3:17 “Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.”

Sa gawang ikabubuti ay kailangan ng mga anak ng Dios ang kaniyang turo lalo na sa PAMUMUHAY at siyempre ito ang nakasulat sa BANAL NA KASULATAN:


2 Timoteo 3:15-17 
“Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos , at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Pansinin na ang Biblia ay nagagamit sa:

1. Pagtatama sa mali
2. Pagtutuwid sa likong gawain
3. Matuwid na pamumuhay
4.Sa ikakapaging karapatdapat ng mga lingkod at handa sa mabuting gawain.


Halos lahat na ng gawain ay pinakamabuting sanggunian ay ang BANAL NA KASULATAN. Kaya naman, maging ang pagdisisyon ukol sa HALALAN ay marapat na nakabatay parin sa BANAL NA KASULATAN.  


ANG MAY GUSTO NA DAPAT MAGKAISA 

E ang ginagawa ba ng INC na pagkakaisa ay gawa-gawa lamang o nakabatay parin sa Biblia?sino ang may gusto na gawin ito ng mga tunay na hinirang?  Ganito po ang turo:


John 17:22-23
" At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na GAYA NAMAN NATIN NA IISA;
Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, UPANG SILA'Y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo."


Ang may nais na magkaisa ang mga lingkod ng Dios ay ang Panginoong Jesucristo. Kung sa paanong sila ay nagkakaisa ay ganito ang naging uri at palatandaan ng Kaniyang mga tunay na lingkod Sapagkat sila'y tunay na iniibig ng Dios. Gaanong kaisahan ang kanilang maisasagawa? Ang sabi po "LUBOS SA PAGKAKAISA". Kapag sinabing lubos e hindi po iyan 50/50 kundi SOLIDO o 100% ang kaisahan.


ANG INAASAHAN NA MAGKAKAISA


Sino ba iyong tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na LUBOS NA MAGKAKAISA at saan sila matatagpuan o tinawag? 


Ephesians 4:4, 13
" May ISANG KATAWAN, at isang Espiritu, gaya naman ng PAGKATAWAG SA INYO sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
Hanggang sa abutin nating lahat ANG PAGKAKAISA ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:

Ang inaasahan ng Panginoon na makapagsasagawa ng PAGKAKAISA ay silang mga TINAWAG sa IISANG KATAWAN (binanggit din sa Col.3:15) na sa kanilang pagkatawag doon ay inabot ang LUBOS ng PAGKAKAISA o KAISAHAN na inaasahan ng Panginoong Jesucristo gaya ng Binanggit Niya sa mga naunang talata. 


ANG KATAWAN AY ANG IGLESIA NI CRISTO


Sino at Ano ang Katawan na doon tinawag ang mga Lingkod na may lubos na Pagkakaisa? Ito ang IGLESIA na si Cristo ang ulo:


Colosas 1:18 “At siya ang ulo ng katawan , sa makatuwid baga'y ng iglesia;
…”

Ang katawan ay ang IGLESIA. Dito tinawag ang mga hinirang na tunay na nagkakaisang LUBOSAN at inaasahan ng Panginoong Jesus. Isang uring IGLESIA lamang at ang kaanib ang bumubuo o sangkap


1 Corinthians 12:12, 20
" Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay IISANG KATAWAN; gayon din naman si Cristo.
Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan." 


Sila ang mga KAANIB o SANGKAP ng KATAWAN o Iglesia. Na sa Kabuuan ay tinawag ng mga Apostol na IGLESIA(KATAWAN) NI CRISTO:


1 Corinthians 12:27
" Kayo nga ang KATAWAN NI CRISTO, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya.

Romans 16:16
"  Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO."

Samakatuwid. Ang tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na LUBUSANG NAGKAKAISA ay ang mga nasa IGLESIA NI CRISTO sila ang tunay na nakapagsasagawa ng kalugod-lugod at nakatugon ng lubos na Kaisahan na inaasahan ng Dios at ng Panginoong Jesucristo sapagkat ito ang KANIYANG IISANG KATAWAN. 


BAKIT KAILANGAN ANG PAGKAKAISA AT HINDI ANG KAMPIKAMPI?


Bakit ba pati sa paghatol o pagboto ay nagkakaisa parin ang mga miyembro? Ano ba ang naidudulot ng pagkakabaha-bahagi o kampi-kampi? Ganito po ang sabi:

James 3:14-16
14"  Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.

15 "Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, SA DIABLO.

16" Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI, ay doon MAYROONG KAGULUHAN at lahat ng masama.


Ang KAMPI-KAMPI at walang pagkakaisa ay hindi isang isipang sa Dios kundi ito'y sa diablo. Kitang kita naman po natin di po ba. Sapagkat bunga ng ibat ibang isipan o kampi kampi ay nagbubunga ng KARAHASAN o KAGULUHAN at nahahatung pa sa patayan kung minsan. Ito ang hindi at ayaw ng Panginoon na magawa ng Kaniyang mga hinirang kaya ngayon hayag ang isinasagawa ng mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO ay laging nagkakaisa sa IISA LAMANG ISIPAN gaya ng PAGHATOL o sa PAGHALAL sa araw ng Halalan sapagkat ganito ang utos sa Kanila:



1 Corinthians 1:10
" Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay MANGAGSALITA NG ISA LAMANG BAGAY, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y MANGALUBOS sa ISA LAMANG PAGIISIP at ISA LAMANG PAGHATOL.


Ang buong KAPATIRAN ng mga tunay na hinirang ay pinapaalalahan na laging MANGALUBOS SA ISANG PAGIISIP, AT IISANG PAGHATOL na gaya ng Panalangin ng Panginoong Jesucristo (Juan 17:22)  na Sila MANGALUBOS SA KAISAHAN.  Ano ba kahulugan ng PAGHATOL? 


VOTE :

8. An EXPRESSION of approval, agreement, or JUDGEMENT: a vote of confidence.


Source: http://www.thefreedictionary.com/vote

Ang HATOL o VOTE ay siya ring tinutukoy na dapat PAGKAKAISAHAN ng Isipan ng lahat ng mga hinirang sapagkat ito ay hindi isang bagong utos kundi noon pa ito ipinapatupad sapagkat isa ito sa kalooban ng Dios. Sa PAGBOTO ay HINAHATULAN natin ang mga kandidato kung sino ang dapat iboto sa araw ng halalan. Ang pagkakaroon ng IISANG HATOL o BLOCK VOTING ay isang gawaing naaayon sa Banal na kasulatan sapagkat mas lalong napapatunayan ang pagkakaisa ng mga tunay na hinirang at DITO NATIN MAKIKITA KUNG ANONG RELIHIYON ang ganap na nakatugon at iyon ang totoong tunay na KATAWAN ni Cristo o Kaniyang Iglesia. 

Kaya naman. Kahit sa kabila ng Lahat kung may pagkakataon man na ang kandidato ay isang kamag-anak pa o kaibigan ng isang Kapatid at nagkataon na HINDI SIYA ANG PINASYAHAN NA IBOTO ay hindi tatalikwas ang isang tunay na KAPATID sapagkat batid niyang mas mahalaga ang pagsunod sa kalooban ng Dios kaysa tao. Gaya ng Pagpapasya ng mga apostol na kanilang naging paninindigan:


Acts 5:29
"  Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.


Ang kalooban muna ng DIOS ang sinusunod at hindi ang sariling gusto o pasya sapagkat alam nilang napakahalagang unahin ito sapagkat dito nalulugod ang Dios.


ANG PAMAMAHALA ANG NAGPAPASYA

Paano ba naisasagawa ito? Ang pagkaroon ng BLOCK VOTING ba ay basta nalang ginagawa? Hindi po kundi patuloy paring nakatali sa Banal na Kasulatan. Sapagkat patuloy na isinasagawa ang KAAYUSAN:


1 Corinthians 14:40
"  Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may KAAYUSAN ang lahat ng mga bagay."


Kaya naman maging sa pagboto ay MAY KAAYUSAN na Ginagawa. Upang magkaroon ng iisang isipan na dapat pagkaisahan ay marapat na may iisa lamang ang huling magpapasya at ito ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN Gaya ng ginawa ng mga unang Cristiano o Unang Iglesia na ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATANG na si APOSTOL SANTIAGO ang huling nagpapasya o naghatol sa umusbong na usapin (Gawa 15:1-2,13,19-20). At ang buong Iglesia ay SUMUNOD at NAGPASAKOP sa Kaniyang disisyon (Gawa 15:30-31).


Ito po ang dahilan kung Bakit sa buong kilusan ng Iglesia ay may PAGKAKAISA gaya ng HALALAN. Ito ang isa sa kasamang  Palatandaan ng tunay na RELIHIYON o IGLESIA na sinasabi ng Banal na Kasulatan.


Ephesians 4:4-6
" May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;

" Isang Panginoon, ISANG PANANAMPALATAYA, isang bautismo,

" Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.


Ang mga palatandaan ay Gaya ng sinasabi sa sumusunod:

1. May ISANG KATAWAN o ISA LAMANG IGLESIA at HINDI SEKTA SEKTA

2. ISANG PANANAMPALATAYA - o IISANG PANINIWALA kasama na ang PAGKAKAROON ng IISANG ISIP o IISANG PAGHATOL..

3. MAY IISANG DIOS NA PINANINIWALAAN na walang iba kundi ANG AMA lamang.


Malinaw po ang mga pagtuturo ng BIBLIA ukol dito kung bakit ang mga kaanib ay LUBUSANG NAGKAKAISA SA LAHAT NG GAWAIN. Isa na ang pinag usapan sa artikulong ito na PAGKAKAISA UKOL SA HALALAN...

BANAL NA HAPUNAN (INC) paano ba isasagawa ang pagbabanal na hapunan? Ang mga manunulugsa sa Iglesia Ni Cristo ay isa ito sa kanila...